Pages

Thursday, October 20, 2011

Para kay Angel-O


Natagpuan na lang ang abang labi
Sa puntod ng iyong inang agnas
Nakapalupot sa iyong binti
ang tila palos na kasalanan,
 na sa kaluluwa mo’y tumutugnas!

Dala ng hiya, na wala ka naman talaga
Nananangis ka! Kinapos ka pa ng hininga
Sa paghingi ng tawad sa binging bangkay
Na sa ilalim ng lupa matagal ng nakahimlay

Akala mo ba a-ayon sa iyo ang simpatya?
Tanging mga tanga lamang ang magluluksa!
Dahil sa pag-amin mo anghel na walang butsi,
Pinagtatawanan ka ng masa hatol sa’yo guilty!

Bangong puri ba ang iyong ginawa?
Hindi, ngunit isang pag-aadya!
Sa mga tropa mong ayaw mong masangkot
Sa baho ng iyong putok, umaalingasaw—pagkabantot!

Kay sarap nga naming mamumunini
Sa pagod ng marami, sa pamilya mo itinabi
Para sa pagdating ng araw meron silang masayang wakas
Para sa balana, mga bulsa at pitakang butas!

Anghel ka nga ng nasa lupa
Pero gaano ka kasigurado na may paraiso?
Hindi-kamatayan ang magsasalba
Para sa katulad mong mapag-hangad at lilo!

Hinatulan mo ang iyong sarili,
di-porke namatay o nagpakamatay ay bayani
dahil sa gaya mong tiwali
kulang pa ang ikaw ay mabigti!

Nakakatawa ka anghel na may O
Ikaw ang huwaran ng mga duwag
At mga taong walang bayag
Kaya pag may sumunod sa ‘yong yapak, eto ang para sayo: is that SO?

P.S.
kung nasan ka man, dyan ka nalang...


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...